Bukas para sa publiko ang retail selling ng KADIWA sa Department of Agriculture (DA) Main Lobby, mula Marso 11-15, 2024. Ito ay bahagi ng paglulunsad sa proyektong “Ascending Arts in Rubber” na pinangunahan ni Philippine Rubber Research Institute (PRRI) Executive Director, Cheryl L. Eusala kasama ang Philippine Rubber Industries Association, Inc. (PRIA).
Nagbigay-suporta sa opening ceremony sina DA Sec. Francisco P. Tiu Laurel, Jr., Usec. Mercedita A. Sombilla, Usec. Roger V. Navarro, Usec. Christopher Morales, Assistant Secretary for Legislative Affairs, DLLO, and Consumer Affairs, at KADIWA Program Head Atty. Genevieve E. Velicaria-Guevarra, PRIA Vice President Allan Dee, at ang iba pang mga Undersecretaries, Assistant Secretaries, Directors, and Development Partners ng DA.
Ayon kay Dir. Eusala, ang Ascending Arts in Rubber ay isang hakbang tungo sa kinabukasan ng Rubber Industry. Ipinagdiriwang ang kahalagahan at pagiging versatile nito.